*Flashback : Gela
sa buong buhay ni Gela, isang tao lang ang sinabi niyang nakaiintindi sa kanya. Nuong kinder: si Helena, elem: si Helena, High school: si Helena. Ngunit ang pagkakaibigan, parang pag-ibig, may forbidden din. Sa pagkamalas-malas na buhay, ung pagkaka-ibigan nina Gela at Helena, forbidden. Si Mr. Javier(tatay ni Gela) kasi Perfectionist, si Mrs. Javier(nanay ni Gela) naman masyado mataas ang expectations sa anak niyang babae, ayaw nila ng mga taong masyadong nagiinfuence sa anak nila, dahil masisira daw ang plans nila para sa buhay ni Gela, “How about the investments for your college tuition abroad??”, ” Do you even think you can achieve something with her?”. yan ang laging narirnig ni Gela mula sa magulang tuwing makikita silang dalawang magkasama. Anong lupit naman, walang kaalam alam si Helena na may masamang epekto ang kanilang pagkakaibigan. Si Gela kasi ayaw umimik.
Sa gitna nag kantyawan samin ni Helena, siya ay biglang tumayo, at sumigaw. Ano ba?!? Hanggang kailan nyo ba kami ipagtatambal?! sinabi na namin na magkaibigan lang kami ah! Natahimik ang lahat. Si Helena, ang taong mahilig sa libro, at pang 4th sa Class ranking, at simula elementary eh walang records na breakdown ay nag-breakdown, oo, breakdown. Hindi breakdance. Lahat kami gulat na gulat na nakatitig lang sakanya. magsasalita na sana si Mr. Salvador ng biglang kinuha ni Helena ang bag niya at umalis, agad namang sinundan siya ni Gela. tsk.
Nanakit ang kamay ng halos lahat samin. nagpakopya kasi si Sir ng napakahanabng notes, nakapuno ng blackboard ng dalwang beses! Si Halena, di na bumalik, pati na rin si Gela. Apat na subjects at isang reccess silang dalwang wala. Kaya nung awasan,
”Anu ba yang si helena, maghahalfday nangalang, idadamay pa si gela, panu kung maapektuhan ung records niya habambuhay?!” sinabi ni fred sabay ng buntong hininga.
“Ito naman, malay mo may magandang dahilan si Helena.” sabat ko
“Anu namang dahilan yun?” tanong ni Fred
“Aba, malay!” dahilan ko
nang papalabas na kami ng gate, nakita namin ang kotse nila Gela, at sa may di kalayuan nanduon si Gela, ang guidance counselor, at pamilya ni Gela. tinignan ko si Fred kung ano ang reaksyon, sa mukha nya di na siguro mapapatawad si Helena.tsk.
Hoy! Ikaw, oo ikaw! panu pag sinabi ko may gusto ako sayo. Nakatingin sa mata ni Timoteo si Fred. Putang ina mo! tumigil ka nga! Pak you! biglang sigaw ni Timoteo. Ito naman, tinatanong lang, tinitignan ko kasi kung anu-ano ang magiging reaksyon ng mga tao pag sinabihan ng ganun. Bobo ka ba? sa dami dami ng tao dito sa classroom sakin ka pa nag tanong, dapat sa kanya nalang! habang tinuturo ni Timoteo si Gela, isang babaeng may mahabang buhok, at maputi at makinis na kutis. PAk you! itigil mo yan may makapansin pang tinuturo mo siya! PAki ko kung me makakita, di naman ako may gusto dun. Sabay belat.
Hindi naman ganun kaclose sina Fred at Timoteo, nuong 2nd Quarter lng sila naging magkaibigan( 3rd Quarter na!), nang napansin ni Fred na naglalaro si Timoteo ng larong kinaaadikan ni Fred, ang Void Hunters. Nagalarm na ang bell at maguumpisa na ang subject nila pagkatapos ng lunch, Siyensya, isa sa paboritong subject ni Timoteo. Katabi ni Timoteo si Ramon, isang lalaking di ganon katalino at di rin naman ganon kabobo ngunit magaling magskateboard, at si Helena, ang best friend ni Gela. Nagsimula na mag discuss si Mr. Salvador ng bago nilang lesson, ang facinating world of genetics, nang biglang tanungin si Timoteo ni Helena ng kung bakit niya tinuturo sila ni Gela kanina. Sa isip ni Timoteo, Shit! nakita nila ako! patay ako kay Fred! anong gagawin ko?? biglang sinagot niya si Helena. hindi naman kayo yung tinuturo ko kanina eh, pinaguusapan lng namin kanina kung ilan nalang yung walis natin, balak daw kasi ni Fred magdala bukas. Weh?! palusot mo! sinabi ni Helena habang nakangiti. Di nga, totoo yun! di ako nagsisinungaling! Biglang sabi ni Mr. Salvador, hoy kayong dalwa! ano ang ginagawa nyo dyan?? naglalambingan nanaman kayo! Biglang may sound na biglaang lumitaw, Eeeeeiiiiiii~!
Ang mga ilalagay ko sa Titig ay kathang isip lamang, sa lahat ng tao, bagay, lugar na may kaparehas o katunog sa Titig ay purong pagkakataon lamang.